Hurricane Sandy wa epek sa training ni Pacman

WALANG epekto ang pananalasa ng Hurricane Sandy sa East Coast ng Amerika, sa pagsasanay ni 8-division world champion Manny Pacquiao sa Wild Card Gym sa Los angeles, California para sa kanyang laban niya kay Mexican warrior Juan Manuel Marquez, sa Disyembre.

Dumating si Pacquiao sa gym na pag-aari ng trainer na si Freddie Roach lulan ng kanyang kulay itim na sports car.

Ngayong araw, ay sisimulan ng Pinoy ring icon ang light workout sa Vine Street bilang pampagana sa mga nakalatag na roadworks.

Bukas naman magsisimula ang sparring sessions na ang kabilang sa mga nakahanay na sparring mates ng Pinoy ring icon ay ang welterweight prospect na si Frank Gomez, Rey Beltran at Ruslan Provodnikov.

Samantala, napilitang kanselahin ni heavyweight contender Tomasz Adamek ang unang araw ng kanyang training camp sa New Jersey, sa gitna ng pananalasa ng Hurricane Sandy.

Nakatakda sanang mag-ensayo si Adamek sa Hoboken subalit hindi na sila pinayagan ng awtoridad na makapasok dahil sa baha.

Hindi rin aniya nakarating ang veteran American trainer na si Roger Bloodworth dahil sa mga kanseladong flights.

Sa Disyembre 22 makakalaban ni Adamek si former IBF cruiserweight champion Steve Cunningham.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply