Ika-13 petisyon vs cybercrime law isinampa sa SC

INIHAIN ngayon ng grupong Bayan Muna sa Korte Suprema ang ika-13 petisyon na humihiling na ideklarang labag sa Konstitusyon ang ilang probisyon ng Republic Act 101-75 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sa 24-pahinang petisyon, hiniling ng grupo na magpalabas ang hukuman ng temporary restraining order para mapigil ang pagpapatupad sa nasabing batas.

Pinangalanang respondent sa petisyon si Executive Secretary Paquito Ochoa.

Kuwestiyunable umano ang ilang probisyon ng batas dahil nilalabag nito ang freedom of expression, due process, equal protection, right to privacy and correspondence at right to unreasonable searches and seizures.

Kabilang sa mga inirereklamong probisyon ng nasabing grupo ay ang Section 4 hanggang 8 at Section 11, 12, 13, 15, 17, 19, 20, 21 at 22.

Nakasaad sa nasabing mga probisyon ang pag-criminalize sa libel sa internet, ang pagbibigay ng kapangyarihan sa mga awtoridad na mangalap, sumuri, mangumpiska at magsara ng mga computer data, at ang pagbibigay ng kapangyarihan sa Department of Justice na harangin ang access sa computer data na may “prima facie” o hayag na ebidensyang paglabag sa probisyon ng nasabing batas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply