Ilang bahagi ng Maynila binaha

BINAHA ang ilang bahagi ng lungsod ng Maynila bunsod ng malaks na pagbuhos ng ulan kaninang madaling araw dulot ng Habagat.

Ilan lamang sa mga binaha nang hanggang gutter deep ay ang bahagi sa palibot ng City Hall at P. Burgos Street.

Maging ang paligid ng Paco Park, Romualdez St. at Quirino corner Pedro Gil ay binaha din bagamat nadadaanan pa rin ito ng mga sasakyan.

Hindi tulad ng ilang lungsod sa Metro Manila, ang lungsod ng Maynila ay hindi nagdeklara ng  suspension ng klase sa eskuwela kaya naman pilit sumusuong sa tubig baha ang mga empleyado at estudyante na nagsisipasok sa kanilang eskuwelahan at trabaho kanina.

Sa ngayon, lumabas na ang haring araw kaya naman inaasahang huhupa na nang tuluyan ang tubig-baha.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply