Ilang kandidato humabol sa huling araw ng paghahain ng COCs

HUMABOL ngayong araw ang ilang kakandidato sa local post sa Southern Metro Manila sa huling araw ng  paghahain ng Certificate of Candidacy.

Kabilang dito ang mga kandidato ng United Nationalist Alliance (UNA) sa  Muntinlupa City sa pangunguna  ni re-electionist Aldrin San Pedro.

Sa Pasay City naman, naghain na rin ng kandidatura ang isa pang kandidato sa pagka-alkalde na si Jorge del Rosario na mahigpit na makakatunggali ni Mayor Antonino Calixto.

Kasama ni del Rosario na naghain ng Certificate of Candidacy sa Comelec-Pasay ang kanyang runningmate  na si Jojie Claudio anak ni dating Mayor Jovito Claudio.

Kasama rin nina del Rosario at Claudio na nag-file ng COC ang 12 kandidato nila sa pagka konsehal na si dating bise alkalde Greg Alcera ng District .1

Matatandaan na si Alcera ang kauna-unahang public servant na naglunsad ng programang ‘Serbisyo Muna’ na kinopya ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply