Ilang lalawigan signal No. 1 sa bagyong ‘Ofel’

NAKATAAS ang storm signal number one sa ilang lalawigan sa Visayas at Mindanao dahil sa bagyong Ofel.

Ito ay kinabibilangan ng Leyte, Southern Leyte, Eastern Samar, Western Samar, Surigao Del Norte, Dinagat Island,  Surigao Del Sur, Agusan Provinces at Camiguin Island.

Sa update ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration kaninang alas:5:00 ng umaga ang bagyo sa 460 kilometers silangan ng Surigao del Sur.

Taglay ng bagyo ang maximum sustained winds na 55 km per hour malapit sa gitna.

Sa pagtaya ng PAGASA, kumikilos ang bagyong Ofel pa-kanluran sa bilis na 13 kph.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente na naninirahan sa low lying at mountain areas na nasa signal No. 1 na mag-ingat sa posibilidad ng flashfloods at landslides.

Ang mga mangingisda naman ay pinayuhan na huwag maglayag sa eastern seaboards ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply