Ilang lalawigan signal No. 2 kay Ofel; Metro Manila signal No. 1

ITINAAS ang storm signal number 2 sa ilang lalawigan dahil sa pananalasa ng bagyong Ofel.

Base sa update ng PAGASA ngayong umaga, kabilang sa mga lalawigan na nasa signal No. 2 ay ang Masbate, Ticao Islands, Romblon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro, Lubang Island, Marinduque, Batangas, Aklan, Antique, Iloilo, Capiz, Guimaras at ang hilagang bahagi ng Negros Occidental.

Signal No. 1 naman ang mga lalawigan sa Luzon gaya ng Bataan, Zambales, Pampanga, Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna, ang Southern part ng Quezon Province, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, Burias Island, Calamian Group of Island, Cuyo Island at kabilang ang Metro Manila.

Nasa ilalim din ng signal No. 1 ang mga lalawigan sa Visayas; Leyte Provinces, Samar Provinces, Cebu, Camotes Island, nalalabaing bahagi ng Negros Occidental at Negros Oriental.

Namataan ng PAGASA kaninang alas-5:00 ng umaga, ang sentro ng bagyo sa Sibuyan Island sa Romblon.

Taglay ng bagyong Ofel ang maximum sustained winds na 65 kilometers per hour malapit sa gitna at may pagbugsong 80 kph.

Kumikilos ang bagyo ng pahilagang kanluran sa bilis na 20 kph.

Pinapayuhan ng mga kinauukulan ang mga residente lalo na sa mga lalawigang apektado ng bagyo na mag-ingat at maging alerto sa posibilidad ng flashflood at landslides.

Pinaiiwas din ng PAGASA ang mga mangingisda at mga maliliit na sasakyang pandagat na maglayag sa seaboards ng Luzon at Visayas dahil sa pinagsamang puwersa ng bagyong Ofel at hanging Amihan o northeast monsoon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply