Ilang opisyal ng DENR kinasuhan ng illegal logging

KINASUHAN ng National Bureau of Investigation (NBI) ng illegal logging ang ilang top officials ng Department of Environement and Natural Resources (DENR) kaugnay sa P4 milyon halaga ng troso na nasabat sa isang barko sa Sarangani Province noong nakaraang buwan.

Ang mga kinasuhan ng paglabag sa Article 68 of the Presidential Decree 705 o mas kilala sa Revised Penal Code of the Philippines na inamyendahan ng EO 277 ay sina DENR Community Environment and Natural Resources Officer-West (CENRO-West) officer-in-charge Ben Acana; DENR officers Jose Odillon Solamo; at Pidling Ujajun.

Kabilang sa kakasuhan ng NBI before the Provincial Prosecutors Office ng Sarangani province ang kapitan ng barkong M/V Somahi ship na si Vilmo Viason at mga tripulante nitong sina Simpao Dante; Palapos Carlito; Arturo Baladiang; Jeoffrey Calumnas; Ullyses Aclo; Elorde Ronnie; Avelino Labajo; at Joemari Canja.

Maging ang mga opisyal ng Amadeo Fishing Corp – ang kompanya na nagmamay-ari sa barko na nag-transport sa iligal na troso na nakilalang sina Eduardo Amadeo; Leonida Amadeo; Helen Anderson; Patricio Amadeo; Juvy Deena Amadeo at Charles Anderson, ay kinasuhan din.

Kasama rin sa kaso ng NBI si Hadji Mashur Ismae, na siyang sinasabing may-ari umano ng Mahogany Poles at Flitche.

Ayon kay NBI Sarangani District Office (NBI-SARDO) agent-in-charge Atty. Noel Morales, ang isinampang kaso laban sa mga respondents ay nag-ugat sa nasabat ng pinagsanib na puwersa ng NBi, Philippine Navy at Anti-Illegal Logging Task Force (AILTF) na 4,282 pirasong troso ng mahogany flitches na nagkakahalaga ng P4 milyon na isinakay sa M/V Somahi sa baybayin ng Sarangani.

“The navy received a tip that a certain M/V Somahi was loaded with more or less than 500,000 board feet of assorted tablons, gemillna, mahogany and yakal, all are undocumented and were sourced from illegal logging activities in Isabela City, Basilan,”  ayon kay Morales.

Sa imbestigasyon, hindi idineklara ang tamang bilang ng mga troso para sa transport permit. Sinabi ng kapitan ng barko, na sakay ang 2,963 pirasong troso ng mahogany na pinutol mula sa pribadong lupa ni Hadji Hussein.

“They maintained that no permit is required in the cutting of planted trees within private lands… provided that a certification from CENRO concerned to the effect that the forest products came from titled properties is issued accompanying the shipment,” ayon pa sa NBI.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply