Klase ngayong araw sa ilang lugar sa MM, karatig lalawigan sinuspinde

(UPDATE) DAHIL sa masamang panahon bunsod ng bagyong Marce at Habagat sinuspinde ngayon ang klase sa ilang lugar sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Walang pasok sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa mga sumusunod:

– Pasay
– Manila
– Muntinlupa
– Parañaque
– Samsuan, Pampanga
– Cavite

Suspindido naman ang klase mula preschool hanggang high school sa Makati, San Juan, Quezon City, Marikina City, Pateros, Caloocan, Mandaluyong, Malabon at Cainta, Rizal.

Samantala, kahit wala pang public storm warning signal, nagbaba na ang PAGASA ng yellow rainfall warning sa Metro Manila dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan na dala ng Habagat, na pinalakas ng bagyong Marce.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply