Iligal na droga sa Maynila, itinutulak sa Taguig City

MALAKI umano ang posibilidad na sa Quiapo, Manila nagmumula ang mga illegal na drogang ipinapakalat sa malaking bahagi ng Taguig City makaraang matuklasan umano ito ng mga tauhan ng Taguig City police matapos mahuli sa buy-bust operation ng pulisya ang dalawang drug pushers na kapwa residente ng C. Palanca St., sa Quiapo.

Naaresto ng mga tauhan ng Special Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ng Taguig police sina Sumarito Kabangan, 26 at Ashya Akaz, 23, kapwa residente ng 114-64B C. Palanca St., Quiapo, Manila  matapos tanggapin ang markadong P2,000 na pinagbentahan ng apat na sachet na naglalaman ng shabu.

Ayon kay Taguig police chief Sr. Supt. Tomas Apolinario, nagawang makipag-transaksiyon ng kanilang mga tauhan sa dalawa matapos ang ilang linggong pagmamannan sa illegal na aktibidad.

Sakay ng dalang Toyota Vios ang mga suspect nang makipag-transaskiyon sa nagpanggap na buyer sa harapan ng punong tanggapan ng DOST sa A. Bonifacio St., Pae Service Road sa Upper Bicutang dakong alas-5 ng hapon noong araw ng Biyernes.

Nasa aktong tinatanggap ng dalawa ang markadong salapi nang damputin sila ng mga pulis na naka-poste na sa naturang lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply