Illegal explosive dealer, dakip

ARESTADO ang isang lalaki sa isinagawang buy bust operation laban sa illegal trade ng mga pampasabog sa Camarines Norte.

Ang suspek ay kinilalang si Edgar Balines, 54, ng Purok 2, Barangay Motherlode, Jose Panganiban,  nasabing lungsod.

Nadakip ang suspek sa pinagsanib na puwersa ng intelligence office ng Camarines Norte Police Provincial Office at Jose Panganiban Municipal Police Station.

Narekober sa posisyon ni Balines ang aabutin sa 966 na piraso ng dynamite sticks (Sun Brand Explosives Class-2, 125g, 25mm), 18 piraso ng ordinary blasting caps, at 823.5 metro ng blasting/time fuse.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply