ILO forum sa Makati, sinugod ng mga manggagawa

SINUGOD ng mga manggagawa ang isang forum ng International Labor Organization o ILO sa lungsod ng Makati kahapon upang tutulan ang tow-tiered wage system ng gubyernong Aquino.

Ayon sa Kilusang Mayo Uno o KMU, walang anumang uri ng pag-uusap ang makakapag-bigay katuwiran sa tunay na layunin ng bagong iskemang pasahod.

Inorganisa ng ILO ang nasabing forum upabng ipaliwanag ang batayan ng two-tiered wage system na ipinapatupad na sa labing-isang rehiyon sa buong bansa.

Ngunit sinabi ng KMU na hindi maitatagong bawas sahod lamang laban sa mga manggagawa ang layunin ng iskema na mababa pa sa itinatakdang minimum wage ng tripartite wages and productivity boards.

Inakusahan ng KMU ang ILO na sumusuhay sa mga anti-manggagawang palisiya ng gubyernong Aquino at pagka-gahaman ng mga kapitalista sa sobrang tubo, imbes na pumanig sa mga manggagawa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply