Imbestigasyon sa pagbagsak ng eroplano ni Robredo, ilalabas na

ILALABAS na anumang araw ngayong linggo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang resulta ng imbestigasyon kaugnay sa pagbagsak ng eroplanong sinasakyan ni Interior and Local Government secretary Jesse Robredo na ikinamatay nito.

Ayon kay CAAP investigation head Capt. Amado Soliman, nakapaloob sa kanilang final investigation report ang lahat ng impormasyon at detalye kung ano ang tunay na  nangyari noong Augusto 18.

Sinabi pa ng opisyal na layunin ng isinagawang imbestigasyon ay para lamang malinawan ang lahat ng “unanswered concerns” hinggil sa malagim na trahedya.

Una na ring inihayag ng CAAP na wala silang nakikitang anggulo ng foul play sa pagbagsak ng sinakyang Piper Seneca plane ni Robredo.

Maalalang galing ng Mactan, Cebu si Robredo sa nabanggit na petsa at pauwi na sana ng Naga City nang magkaroon ng aberya ang sasakyang pamhimpapawid at tuluyang bumagsak sa karagatang sakop ng Masbate.

Maliban kay Robredo, nasawi rin sa insidente ang piloto na si Capt. Jessup Bahinting at Nepalese co-pilot Kshitiz Chand.

Masuwerte namang nakaligtas ang aide-de-camp ng kalihim na si Senior Insp. Jun Abrazado.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply