Imbestigasyon sa pagtagas ng tailings ng Philex, ilalabas ng CBCP

ILALABAS na bukas, October 2, ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines-National Secretariat for Social Action- Justice and Peace (CBCP-NASSA), ang resulta ng kanilang imbestigasyon sa naganap na disaster kaugnay ng pagtagas ng Philex mining sa Agno river.

Ang nasabing report ay batay sa fact finding mission kasama ang Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Kumpleto umano ito sa detalye at may kasama pang mga larawan.

Ayon naman kay DENR Secretary Ramon Paje, kasama na ang Philex disaster sa kasaysayan kung kukonsiderahin ang extent at impact, at impluwensya nito sa mga polisiya sa pagmimina ng gobyerno.

Dahil sa nasabing disaster, nagkansela at sinuring mabuti ng DENR-MGB-EMB ang mga inaprobahang ECC ng Xstrata-SMI.

Gagawa sana ito ng isang P1.35 billion metric-ton tailings dam, 135 beses na mas malaki kesa Philex, sa ilalim ng earthquake fault sa gitna ng Central Mindanao.

Ang Central Mindanao ang isa sa pinakamalaking pinagkukunan ng pagkain ng bansa.

Binatikos ang Xstrata-SMI’s ECC nina foreign experts Robert Goodland at Clive Wicks dahil bagsak umano ito sa standards ng responsableng pagmimina.

Ayon sa CBCP-NASSA, kung papayagan umano ni President Benigno Simeon Aquino III ang Xstrata-SMI ECC, magiging dadalhin umano nito sa kanyang konsensya ang anumang trahedyang magaganap kahit pa wala na siya sa posisyon.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply