Imported na bigas, pataba dapat tanggalan ng taripa

ISINULONG ng isang kongresista na tuluyan ng tanggalin ang taripa sa imported na bigas at pataba upang bumaba rin ang presyo nito sa merkado.

Naniniwala si Northern Samar Rep. Emil Ong na kapag natanggal ang taripa sa bigas na ipinapasok sa bansa, pataba at agricultural equipment ay maaaring maibaba ang presyo ng bigas ng hanggang sa P12 bawat kilo.

Inihain ni Ong ang House Bill 6532 kung saan pina-aalis nito ang taripa para sa importasyon ng bigas na nasa 41% mula pa noong 2002 matapos tratuhin bilang non-essential goods.

Sinabi ng mambabatas na hindi dapat isama bilang non-essential goods ang bigas dahil kabilang ito sa malaking bahagi ng pinagkakagastusan ng pamilyang Pilipino.

Giit pa ni Ong na ang mataas na taripang ipinapataw sa imported na bigas ay nagpapa-engganyo sa mga big time smugglers para manuhol ng customs officials dahil mas maliit ito kumpara sa pagbabayad ng buwis.

Nakapaloob sa Section 1 ng HB 6532 ang  pag-aalis ng tariff duties sa imported rice, fertilizers at agricultural equipment.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply