Importers ng fake foods binalaan ng BOC

BINALAAN ng Bureau of Customs (BOC) ang mga importer na patuloy na nagpupuslit ng mga pekeng goods sa bansa.

Ang babala ay ipinahayag ni BOC Commissioner Ruffy Biazon, dahil patuloy ang kanilang pagbabantay sa mga ipinupuslit na mga produkto lalo na ngayong Christmas season.

Una na rito, mahigit P60 milyon halaga ng mga pekeng produkto tulad ng gulong, kitchen wares and beauty products na mula sa China ang nasabat ng BOC sa Port of Maynila

Kasaby nito nagbabala na rin ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa kumakalat na pekeng pera sa merkado.

Payo ng BOC sa publiko dapat maging mapanuri ang publiko sa mga pekeng P1,000, P100 at P20 bills.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply