Imprenta ng balota pinababantayan sa Comelec

HINILING ng isang mambabatas sa Commission on Elections (Comelec) na tutukan ang imprenta ng mga balota para sa nalalapit na May 2013 midterm elections.

Ayon kay House Minority Floor Leader Danilo Suarez, hindi imposible at lalong posibleng sobrahan ang imprenta sa balota na maaaring magamit sa pandaraya ng mga abusadong kandidato.

Sinabi ni Suarez, hindi dapat ito ipinaubaya ni Comelec Chairman Sixto Brillantes sa National Printing Office at dapat pinag-isipan munang mabuti.

Hindi pa umano nangyayari ang ganitong insidente partikular noong panahon ni dating Comelec Chairman Jose Melo na palaging nagdedesisyon sa lahat ng may kaugnayan sa botohan.

Hindi rin aniya malabong mangyari ang dayaan kahit automated ang halalan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply