Improvised bomb sumabog sa Tacurong City

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Ginulantang ng malakas na pagsabog ang sentro ng Tacurong City kahapon, walang iniulat na nasaktan.

Isang improvised explosive device ang itinanim sa isang canal sa tapat ng Land Bank of the Philippines at sumabog alas 7:20 ng umaga.

Sinabi ni Sultan Kudarat police director Senior Supt. Rolly Balquin na isang mortar na merong cellphone ang bomba.

Naganap ang pagsabog habang abala ang mga mamamayan patungo sa mga paaralan at trabaho pati na sa pamilihang bayan.

Bago ang pagsabog, sinabi ni Balquin na merong police intelligence reports hinggil sa plano ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement na magtanim ng bomba. Katunayan, meron pang dalawa ang nakatakdang pasabugin.

Kasunod ng insidente, inalerto ng PNP ang tropa nito at ang Task Force Talakudong upang hadlangan ang anumang plano ng masasmang elemento.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply