Inararo ng jeep: 3 patay, 3 sugatan

TATLO ang patay habang tatlo rin ang sugatan makaraang araruhin ng Isuzu passenger jeepney ang mga biktima sa national highway sa Manaring, Ilagan City.

Nabatid na naglalakad lamang ang mga biktimang sina Linda Cabasal, Oliver Cabasal, 11; Rhea Salas, 26, buntis; Jonalyn Salas, 2; Delia dela Cruz, 33, pawang mga taga Purok 3, Manaring, Ilagan City; at Mary Ann Alvarez, 37, ng Purok 4, Manaring nang banggain ng Izusu passenger jeepney na minaneho ni Claudio Lucas, 51, ng Bangag, Ilagan City.

Patungo ang jeep sa direksyon ng palusong na daan sa south nang matumbok ang mga taong naglalakad sa naturang lugar.

Naisugod pa sa Gov. Faustino N. Dy Memorial Hospital ang mga biktima ngunit namatay din sina Linda Cabasal, Oliver Cabasal at Jonalyn Salas.

Inaalam pa kung nakainom ang driver ng jeep na sumasailalim ngayon sa alcoholic breath test.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply