Indian national binaril, patay

DEAD on arrival sa pagamutan ng isang Indian national matapos itong barilin sa kili-kili ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa San Jose, Antique.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame kahapon, hindi na umabot pa ng buhay sa hospital ang biktimang si Malkrip Singh ng barilin ng mga suspek.

Nabatid na masusing sinisiyasat ngayon ng PNP Antique ang kaso ng pagpatay sa nasabing Indian national na hinihinalang may kaugnayan sa kanilang mga negosyo gaya ng pagpapautang ng 5/6 at iba pang pinapasok na negosyo ng mga bumbay.

Nabatid na kamakailan lamang ay isa pang Indian national na kasamahan ng biktima ang pinaslang din.

Patay na nang idating si Singh sa Anghel Salazar Memorial Hospital sa bayan ng San Jose sanhi ng isang tama ng punglo sa kaliwang bahagi ng tagiliran na tumagos sa kanyang kili-kili.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply