Indian national kinalasan ng dyowa, nagbigti

NAGBIGTI ang isang Indian national nang kalasan ng kanyang ka live-in partner matapos silang mag-away sanhi ng kanyang pambabae sa bayan ng Asingan, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Haggid Sing, 25-anyos, hiwalay sa asawa, pero may live-in partner at residente ng Teachers Village sa lungsod ng Urdaneta at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Carusucan Sur sa baya ng Asingan.

Sa ulat ng pulisya, nag-away si Sing at ang live-in partner nito dahil madalas na mahuling may iba itong babae.

Bunsod nito, nagbantang magpapakamatay ang biktima kung hindi sila magkakaayos, na hindi naman sineryoso ng live-in partner nito.

Natagpuan na lamang ang bangkay ni Sing na nakasabit na sa kisame at wala nang buhay.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply