Indian national natangayan ng motor, pera

NATANGAY ang motorsiklo at pera ang isang Indian national sa Malabon City, kaninang madaling araw.

Sa pahayag ng biktimang si Arun Kumar, 51, dakong ala-1:00 ng madaling araw, binabagtas niya ang Jacinto St., Concepcion ng lungsod nang harangin siya ng suspek at tutukan ng patalim.

Tinangka pang saksakin ng suspek ang biktima ngunit nakailag ang huli dahilan upang bumagsak.

Kinuha ng suspek ang wallet ni Kumar na naglalaman ng P3,000 bago tumakas dala ang Yamaha Mio (OD-6641) ng biktima.

Nagsumbong sa mga pulis ang biktima kung saan inaalam na ang pagkakakilanlan ng suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply