Indian national sugatan sa riding-in-tandem

SUGATAN ang isang Indian national nang putukan ng isa sa dalawang hindi pa kilalang suspek na sakay ng motorsiklo habang ang una ay angkas din sa isa pang motorsiklo sa Valenzuela City, Sabado ng umaga.

Ginagamot sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tama ng bala kaliwang binti si Captein Singh, 29 ng Obando, Bulacan.

Sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga, angkas ang biktima sa motorsiklo na dala ng pinsan na si Darryl Singh at pagsapit sa Parada ng lungsod ay sinabayan at pinutukan ng isa sa mga suspek.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek habang ang biktima ay dinala sa nasabing pagamutan.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang nasabing insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply