Indie film tinapos ng isang araw at kalahati

KUWENTONG manunuso, este, manunulat pala. May paalala ang ilan naming katoto sa ibang kapatid namin sa panulat na tila nawawala na sa mga sarili dahil pinapasok ang hindi nila linya. Kungbaga sa sasakyan eh, out of line. Hehehe!

Ang ilang reporters kasi ay nag-venture sa mabilisang paggawa ng pelikula sa akalang kikita rin nang mabilis na pera.

Ma-imagine n’yo ba na may isang writer, prodyuser at direktor pa ang gumawa ng film sa loob lamang nang isa’t kalahating araw? Juice ko! Pa’no kaya umikot ang istorya nito? At ang sabi’y natuto lang daw ito sa pagdidirek dahil sa turo ng isang lehitimong direktor na napagtanungan niya? Sa madaling sabi, theory lamang ang napag-aralan niya, hindi actual.

Naku! Hindi naman sa nilalait natin ang ating katoto, sana nag-aral muna siya o nag-seminar man lang para hindi magmukhang palabas sa Mahal na Araw ang kanyang proyekto. Ginawa mo na rin, sana pinagigihan mo na. Ikaw din kapag napanood ‘yan ng mga laitero ikaw din ang mapahihiya.

‘Yung isa namang kadugo namin, ay magaling lang sa script. Sa aktuwal na paggawa na ng pelikula, aba’y sablay. Hindi pa tinatamaan ng bala ‘yung kalaban ng bida tumutumba na. Parang ‘yung sa Channel 5+2 ba ‘yun, isang panghapong serye.

Hinahabol ng mama ‘yung baklitang may kargang bata, ang bagal-bagal nang pagtakbo hindi mahabol-habol ng una at lawit na ang dila nito sa pagod. At habang humahabol ang kumag, aba’ biglang may nakasalubong na matandang babae, at sa laki ng kalsada, nabangga pa ng mama ang lola at siya’y natumba at hirap makatayo kaya nakalayo ang bading na may kargang batit. Giatay!

Paano ka naman malilibang sa ganyang mga palabas. Imbes na mag-enjoy, iinit lamang ang ulo mo.

Since, katoto namin sila, susuportahan pa rin namin ang mga gawa nila, ‘yun nga lamang, hindi na namin masasalag ang mga punang kahaharapin nila dahil sila’y nagsasabi lang nang totoo.

***

Pekeng reporters ang dumukwang sa datung ni Donna Villa

SABI ni Melody Kwan hindi raw member ng movie reporter ang mga swapang na nang-agaw ng datung ni Donna Villa.

Ang namesung ng mga pasaway na ito ay sina Errol, Janet B. at Angie. Nakatanggap na raw ng balato ang mga ito, humingi pa ulit, nadoble na, nang-agaw pa?

“Dapat ginaya ni Ate Donna Villa si Gov. ER, pinapipila at humihingi ng press ID. Si Jobert Sucaldito ang pro kaya walang gulo. I suggest, Ate Donna should get pro o nagpapila. Ako at si Morly ‘di nakakuha ng balato kasi ganon nga nangyari,” ayon pa kay Melody.

Mabuti naman at hindi pala namin kalahi ang mga ito. Hiyang-hiya kami kina Direk Carlo at Donna kahit wala kami roon sa Famas Awards nang maganap ang agawan at dambahan blues. Mabuti na lamang at hindi nagtulakan at nagsabunutan ang mga ito kundi naging part two sila nina Linda Cabuhayan at Mona Patubo na nagtsugihan sa 3-0-0. Hahaha!

***

Gerald Santos stage actor na

INILUNSAD ang pangatlong album ni Gerald Santos—ang Gerald Santos: The Prince of Ballad—sa The Roxy, Tomas Morato, Quezon City kamakailan. Puro revival songs ang nakapaloob dito, tulad ng “Maghintay Ka Lamang,” “Paminsan-Minsan,” “Hindi Magbabago,” “Ikaw Pa Rin Ang Mahal Ko” at “Ikaw Lang.” Ang unang dalawang albums ni Gerald ay mula sa GMA Records: A Day On The Rainbow at Pinakahihintay at 2008 pa ito.

At ngayong 2012, itong pangatlong record niya ay ini-release naman ng isang independent label na PRINSTAR Music Philippines. Wala itong kaugnayan sa TV5 kung saan ay nakakontrata siya. Although, nagkaroon nang musical-variety shows na Hey It’s Saberdey at Sunday Funday si Gerald sa Kapatid. Sa ngayon ay wala siyang proyekto sa kanyang home studio. Pero dahil sa may angking galing at talino, tiyak na magkakaroon ulit ng show ang binata.

Habang naghihintay ang magaling na singer sa kanyang next project sa TV5, magsisimula na rin ngayong October ang kanyang campus tour para sa kanyang English play, ang San Pedro Calungsod, The Musical. Kaya sa kasalukuyan ay abala siya sa pagre-rehearse.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, magtext sa  09074582883/09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.       

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply