Indie produ kuno pinandidirihan ng mga aktor na baguhan!

MARAMI ang na-amuse sa aming topic na vaklung na indie produ last Friday sa aming radio program sa DWIZ (882 khz sa inyong radio dial, 2 to 3 pm Monday thru Friday) na feeling somebody at invincible na gayung basura naman ang nagawang pelikula. Hahahahahaha!

Anyhow, na-trauma raw talaga ang isang indie actor sa hauteur nito dahil outright na sinabi, (without any preamble at all, huh? Hahaha!) na trip niya itong iblowjob. Hahaha!

Nang di raw pumayag ang na-shock na ombre, nag-power tripping na raw ang vaklung at sinira-siraan ang que pobrecitong baguhan.

“Ano ba ‘yan, Pete?” demands our deep penetrating agent. “Parang inalisan na niya ng karapatang mabuhay ‘yung tao.

“Ang nakababaliw pa, sinisiraan niya ito nang walang habas at patumangga,” our source asseverates. “Kesyo demanding, feeling sikat, hard to deal with et cetera.

“Sa totoo, inalisan na niya ng karapatang mabuhay ‘yung tao. Akala mo kung sinong may power kung umasta sa ngayon ang baklang ‘yan. Porke’t marami na ang raket at nakapagpatayo na ng rest house sa probinsiya nila sa Bikol, kung makapanglait at makapanira, akala mo’y kung sino na siya, tabingi naman ang noselift niya.”

Ganuned? Hahahaha!

Kaaning naman. Pati nosejob napagtrip-an tuloy. Hakhakhak!

“Naku, Pete,” he further rants,”di ako magtataka kung dumating ang araw na madyaryo na lang ang mga harassment na kanyang ginagawa sa mga would be indie actors.

“One of these days, give ko ang cell number mo sa isang indie actor na biktima ng kanyang harassment.

“Gwapo ‘yun,” he enlightens us. “Parang male version nina Kris Aquino at Rosanna Roces ang dating ng personality. Break lang ang kailangan ng bagets para mapansin at nakasisiguro akong marami siyang ilalampasong indie actors riyan.

“Panget kasi, Pete,” he reasons out in earnest. “Porke’t di niya nakuha ang gusto niya sa isang lalake, sisira-siraan na niya.

“I believe na marami rin namang matitinong bakla sa show business na fair ang dealings sa mga lalake.

“Buti sana kung call boy ‘yun,” he asseverates. “Ang kaso matino ‘yun. Nag-artista lang dahil naging jobless.

“Sa totoo,” he further fumes,”kawawa sa baklang ‘yan ang mga bagets na gustong mag-artista. Barubal siya at di matino!

Ganuned? Kaaning naman ever. Hahahahahaha!

***

End of the world speculations sa Kap’s amazing stories
 
NGAYONG Linggo (October 7), magulantang na sa Nature’s Weirdest Events episode ng Kap’s Amazing Stories tampok ang mga istorya tungkol sa nalalapit na paggunaw ng mundo.

Na-alarma ang mga taga-California nang mapuno ng naglutangang patay na isda ang Redondo Harbour noong nakaraang taon. Ano nga kaya ang dahilan at napunta ang mga isdang ito sa daungan at ano ang ikinamatay nila?

Nagkaroon rin ng pahiwatig nang pagkagunaw ng mundo nang mabalot sa dilim ang makulay sanang New Year’s eve noong 2010 sa Arkansas. Imbes na fireworks ang magbagsakan sa langit ng maliit na syudad ng Beebe, libong mga itim na ibon o kilala sa tawag na red-winged blackbirds ang naglaglagan. Ano nga ba ang scientific explanation nito?

Noong March 2011 sa Alaska, kinilabutan naman ang isang team ng National Park Service habang nagpapatrolya sa herd ng musk oxen na may satellite tags nang makita nila ang 55 frozen musk oxen na natabunan ng yelo. Anong trahedya ang nangyari sa mga hayop na ito gayong kilala sila na kayang mabuhay ng buong taon sa arctic dahil sa dalawang layers nilang balahibo?

Nagkandahilo naman sa ulan ng yelo ang mga taga-Bristol City sa British Isles. Panahon ng tag-init noong July 2009, isang lolo ang tinamaan ng bloke ng yelo habang nasa hardin ng bahay nila. Saan kaya nanggaling ang mga bloke ng yelo gayong tag-init ang panahon? Sa mga ganitong pangyayari, natanong ang Head ng Airworthiness sa UK Civil Aviation Authority kung ano ba talaga ang mistulang mga unidentified flying objects na mga ito.

Alamin ang mga misteryo ng kalikasan ngayong Linggo (October 7) sa Kap’s Amazing Stories bago ang Pepito Manaloto sa GMA7.

***

Paula Bianca willing mag-show nang libre sa US?

DAHIL hindi pa naman byword ang pangalan niya sa US of A, willing palang mag-show nang libre ang Vicor recording artist na si Paula Bianca provided ang produ naman ang in charge sa kanyang wardrobe at fare papunta sa venue na pagsu-show-han.

“My dad and I just would want to maximize our stay in the US,” she intoned before she and her family enplaned for the States a couple of days ago. “I don’t mind giving a free show as long as the producer would be the one to provide for our fare and my outfit for the mini-show.

“Ganyan talaga, tito, kapag ini-introduce ka palang sa isang locality,” she further further intimated. “I’m thrilled to be doing the rounds of hotels in Las Vegas and I hope in the future, I would be able to perform in them.”

Oo nga naman.

Anyway, patuloy pa ring tinatangkilik ang kanyang self-titled debut album under Vicor kung saan ang Vehnee Saturno composition na Napakasakit Naman ang carrier single.

Dapat lang!

***

Nababaliw na yata!

PARANG nakaratrat ng shabu ang young sexy actress na ‘to kung murahin ang kanyang mga kapamilya.

Dati, ang ermats niya at older sis ang kinana nang todo-todo ng kanyang nakaririmarim na lenggwahe.

This time naman, it’s her brother who’s the target of her unmitigated wrath.

Cry me a river raw ang utol nitong ombre nang masampolan ng kanyang kabarubalan, along with her from the gutters lingo.

Sayang ang babaeng ito na maganda naman sana at may talent umarte pero burak ang kalooban. Hahahahahahahaha!

Honestly, there was a time that she was purportedly seriously considered for the Darna role at the network she’s presently under contract with but the powers that be had come to the saner decision that she be removed from it for reasons too obvious for us to expound on.

Dapat lang!

For in the event that she delineates the famed Pinay heroine on the boobtube, nakasisiguro kaming magiging katawa-tawa ito sa paningin ng publiko na aware na sa mga kabarubalan ng babaeng ito.
Period!

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at pete_ampoloquio@yahoo.com

and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply