Inflation rate ngayong buwan, inaasahang bababa

DAHIL sa pagbaba ng presyo ng pagkain, petrolyo at paglakas ng halaga ng piso, inaasahang bahagyang bababa ang inflation rate ngayong buwan.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. Amando Tetangco Jr. na inaasahang maglalaro lamang sa pagitan ng 2.9% at 3.8% ang pagtaas ng presyo ng consumer goods.

Ipinakikita lamang umano nito ang pagbaba ng presyo ng major food groups tulad ng bigas dahil may sapat na suplay ito ngayon sa bansa.

Sa ikatlong bahagi ng taon, umabot lamang sa 3.2% ang inflation rate, at nakapaloob naman ito sa 3-5% target ng pamahalaan ngayong taon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply