Info awareness sa Cybercrime law, ilulunsad ng DOJ

PUSPUSAN ang gagawing information desimination ang Department of Justice upang maliwanagan ang ilang sektor sa kahalagahan ng bagong Cybercrime Prevention Act of 2012.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na magsasagawa ng multi-sectoral forum ang DoJ at mga stake holders bukas (Oct 9) para matugunan ang mga isyu at agam-agam ng marami hinggil sa kontrobersiyal na batas.

“Priorities in the law’s implementation will be made in constant dialogue with key stakeholders to address issues and concerns,” ayon kay Sec. De Lima.

Bagama’t aminado ang kalihim na may ilang probisyon ng batas ang hindi siya sang ayon, kailangan pa rin, aniyang, sundin ito.

“The DoJ recommended the deletion of [the provisions for] cyberdefamation, cyberthreats and internet libel,” dagdag ng opisyal.

Samantala, nakatakda namang sasabayan ng malawakang kilos-protesta ang gagawing pulong sa Martes ng mga grupong kontra sa cyber law.

Ayon sa grupong Bagong Alyansang Makabayan, sa halip umanong pakinggan ng Pangulong Aquino ang panawagan ng taongbayan, pinanindigan pa nito ang paglagada sa nasabing batas.

“He looks at public opinion with disdain anf thinks he can get away with the violation of our constitutional rights. That kind of arrogance will be his own undoing,” ani Bayan secretary general Renato Reyes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply