Inisnab ng DJ: FM station sinunog ng bebot

SINUNOG ng isang babaeng may diperensiya sa pag-iisip ang isang FM station sa Butuan City dahil inisnab umano siya ng isang disc jockey (DJ) doon.

Nadamay din sa sunog ang Luciana Inn and Convention Center, Banco Filipino, Pareñas Jewelry Store at Almont Hotel na pawang katabi ng FM station na Love Radio na pag-aari ng Manila Broadcasting Company (MBC).

Agad namang naaresto ang itinuturong suspek na si Rose Canquera, 20, dalaga, tubong Gingoog City at kasalukuyang nakatira sa By The River area ng naturang lungsod.

Base sa panayam sa radyo, inamin mismo ng suspek na may diprensya siya sa pag-iisip at dahil umano sa pang-iisnab sa kanya ng isang DJ ay nagawa niyang buhusan ng gasolina at silaban ang radio station.

Habang isinusulat ang balitang ito ay inaapula pa rin ng mga bumbero ang sunog.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply