Inter-agency operations: Bagong papel ng navy

HINDI kaila na patuloy na nag-babago ang operating environment ng Hukbong Dagat o iyong lugar na ginagalawan ng Navy. Natural lamang ito dahil ang mga banta sa ating kapaligiran at mga kababayan ay hindi nananatiling static o permanente.

Malimit ay nagbabago ito ng anyo hindi lamang sa pamamagitan ng bilang, antas, o tagal ng pag-apekto nito, kundi maging sa anyo nito mismo. Ibig sabihin ay may lumulutang na bagong banta na mangangailangan ng bagong paraan ng pagresponde.

Sa mga ganitong pagkakataon ay patuloy ang ginagawa ng Navy upang harapin ang mga bantang ito kaya’t napakahalaga na maging adaptive o maging adjustable ang Navy para magawa niyang harapin ang kahit anomang banta lalo pa’t isang bansang pandagat tayo.

Dito ngayon lumalabas ang mahalagang papel ng Navy para sa ating seguridad pandagat. Ang naval operations o iyong pandagat na anyo ng gawaing pangmilitar ang pangunahing papel ng Navy. Subalit kasabay nito ay mayroon din siyang papel na pan-diplomatiko dahil ang Navy ang nabigyan ng pagkakataon (kaiba sa Army at Air Force) na makipag-ugnayan sa mga Navy ng iba pang bansa – kahit noon pa man, at iyong papel na pang inter-agency operations.

Itong huling papel ay napaka-halaga lalo sa panahon ng katahimikan. Dulot ng banta buhat sa karagatan tulad ng sama ng panahon (lindol-tsunami, bagyo), mga krimen sa dagat (human trafficking, smuggling, illegal fishing), at terorismo, napaka-importante ng pakikipag-ugnayan at kooperasyon ng ating buong lipunan upang maging mata-gumpay ang laban ng bayan kontra sa mga nasabing banta.

Sadyang hindi matatawaran ang pakikiisa ng taumbayan hindi lang para sa mga gawaing pang-kaunlaran, kundi higit sa lahat iyong para sa pagtugon sa hamon ng pabago-bagong panahon.

—ooo—

Isang malugod na pagbati sa mga tauhan ng Manila Naval Hospital (MNH) sa pamumuno ng kanilang Commander na si Colonel Ramon S. Tan para sa matagumpay nilang Blood Letting noong Setyembre 25, 2012 at Wellness Fair noong Setyembre 26, 2012 na kapwa ginanap sa events area ng MNH.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply