International walk to school, ipinagdiwang

NAKIBAHAGI ang mga mag-aaral, mga magulang at mga opisyal ngbarangay sa pagdiriwang ng International Walk to School Month sa buong mundo kasama ang Pilipinas.

Layon ng nabanggit na pagdiriwang ang maisulong sa mga komunidad ang paglalakad patungong eskwelahan na may benepisyong pangkalusugan sa mga bata pati na rin sa mga magulang.

Ayon sa punong guro ng Andres Bonifacio Elementary School na nakibahagi sa pagdiriwang sa Pasay City na si Tirso Gali, iminulat ng taunang event ang mga pangangailangan ng mga komunidad para sa mas ligtas na mga lansangan, sa kapakanan ng mga naglalakad na mga estudyante papasok sa eskwela at papauwi sa kanilang mga tahanan .

Nagsimula ang Walk to School Month sa bansang Britanya, nuong 1994, at kumalat sa ibat-ibang bansa dahil sa magandang layunin nito sa mga kabataan.

May 40 bansa ang sabay-sabay na nagdiwang ng International Walk to School noong nakaraang taon ,at inaasahang mas dumami pa ang sumama ngayung taon, sa patnubay ng UNICEF, gayundin ang mga lokal na pamahalaan sa buong Pilipinas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply