Internet cafe sa Gensan nilooban, P.5-M gadget natangay

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Nilooban ng hindi pa nakikilalang suspek ang computer shop na pagmamay-ari ng isang abogado sa General Santos City.

Sa panayam kay Police C/Insp. Ronald Allan Penaverde, hepe ng Pendatun-PNP, aabot sa 15 laptop, 10 netbook, 30 hard disc, high resolution projector, 16 port DVR, VGA gaming high end processor at marami pa ang nawawala.

Kinumpirma ng may-ari na si Atty. Chalmer Gevieso na walang nakuha ang kanilang CCTV camera matapos pinatay ang linya ng kuryente nang pinasok ng tubig ang nasabing puwesto.

Malakas ang paniniwala ng abogado na matagal ng pinagplanuhan ang panloloob dahil dati na umanong tinangkang wasakin ang likurang bahagi ng nasabing establisemyento.

Hindi isinasantabi ng pulisya na inside job ang motibo sa insidente dahil alam umano ng mga suspek na bagong dating ang nasabing mga computer gadget na tinatayang nagkakahalaga ng halos P500,000.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply