IRR ng EO 79 inaprubahan na ni PNoy

INAPRUBAHAN na ni Pangulong Noynoy Aquino III ang Revised Implementing Rules and Regulations ng Executive Order (EO) No. 79.

Nakasaad sa implentasyon ng EO 79 na dapat solusyonan ang ilang problema ng mga mining industry player.

Ang mga rebisyon ay binalangkas ng Mining Industry Coordinating Council (MICC), na layong linawin ang mga kontrobersyal na probisyon ng naturang kautusan.

Ayon kay Strategic Communication Secretary Ricky Carandang, na miyembro rin ng MICC, tinutukoy sa EO ang mga reporma sa mining policy ng Aquino administration.

Gayunman, nirebisa ang Section 7 sa EO 79 alinsunod sa utos ni Pangulong Noynoy Aquino.

Nakasaad umano sa Section 7 ang pagpapahintulot sa pagpapalawak ng mga mining area sa sandaling magkaroon ng “failure to expand” na maaaring magresulta sa economic dislocation.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply