Isa pa sa ‘Alabang Boys’ inabswelto sa kasong droga

INABSWELTO ngayon ng Quezon City court ang natitirang miyembro ng tinaguriang “Alabang Boys” trio dahil sa “vague answers” na ibinigay ng isang opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay sa sirkumstansya ng kanilang pag-aresto sa mga ito noong 2008.

Iniutos ni Judge Elvira Panganiban of Quezon City Regional Trial Court – Branch 227 ang pagpapalaya kay Joseph Tecson mula sa Metro Manila District Jail, apat na taon ang nakalipas matapos mahuli ito at dalawa pa at kasuhan ng drug trafficking.

Ang reklamo naman laban sa 2 pang akusado na sina Richard Brodett at Jorge Joseph ay nauna nang dinismis ng Muntinlupa Regional Trial Court noong Agosto 2011.

Tulad ng kaso ni Tecson, ibinase ang pag-abswelto kina Brodett at Joseph sa isang “glaring blunder” sa parte ng PDEA sa paghawak nito ng mga ebidensya.

Sa kanyang desisyon, sinabi ni Panganiban na ang testimonya ni PDEA officer Jose Tomabini tungkol sa drogang nakumpiska umano sa akusado ay “nailed the prosecution’s case to its cross” imbes na ito ay mapalakas.

Si Tomabini, ang huling prosecution witness, ay iprinisinta sa korte ang isang certified copy ng spot report sa pag-aresto kay Tecson noong Sept. 20, 2008, isang dokumento na sinabi niya na siya mismo ang naghanda.

Pero napansin ng korte na hindi makilala ng testigo sa dokumento ang mga nakumpiskang item na nakuha kay Tecson sa isang buy-bust operation na ikinasa ng PDEA agents sa Araneta Center in Cubao, Quezon City.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply