Isa pang barko ng Trans Asia tumirik sa karagatan

ISANG barko na naman ng Trans Asia Shipping Lines ang tumirik habang naglalayag patungong Iloilo City kagabi.

Ang M/V Asia Philippines na may biyaheng Cebu–Iloilo ay umalis pasado alas-7:00 kagabi sa pier 4 sa lungsod ng Cebu ngunit pagdating sa lugar malapit sa Mandaue-Mactan Bridge ay tumirik ang sasakyang pandagat.

Ayon sa ulat na natanggap ni Captain Rolando Punzalan ng Cebu Coast Guard Station, nakaranas ng electrical problem ang barko na may lulan na 190 pasahero at 34 tripulante .

Nagdesisyon ang kapitan ng barko na si Captain Jose de Guzman at management ng Trans Asia na hilahin pabalik ng pier area ang barko para maayos ang sira nito

Kamakailan lamang sinuspinde na ng Maritime Industry Authority (Marina) Reg. 6 ang operasyon ng Trans-Asia Shipping Lines Inc., ang may-ari ng lumubog na M/V Asia-Malaysia sa baybayin ng Kalabasa island na sakop ng Bay-ang at Culasi, Ajuy, Iloilo

Ang suspension order ay inilabas ni Marina Reg. 6 Dir. Mary Armi Arcilla.

Kabilang sa pinagbabawalan na makapaglayag ang isa pang barko ng kompaniya na bumabyahe rin mula Cebu patungong Iloilo na M/V Asia-Philippines at isang tanker.

Ayon sa Marina, hangga’t hindi pa tapos ang inspeksyon sa seguridad ng lahat na mga barko ng Trans-Asia, hindi muna  pahihintulutan ang mga ito na makapaglayag.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply