Isa pang estudyante utas sa hazing

PATAY ang isang college student makaraang sumalang sa hazing sa Andres Bonifacio College sa Dipolog

Dead on arrival sa isang pagamutan ang.biktima na kinilalang si Romark Luage, 21 anyos, residente ng Barangay Silawe lungsod ng Polanco lalawigan ng Zamboanga del Norte.

Nabatid sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nagsimula umano ang initiation rites dakong alas-9:00 ng umaga na pinagunahan ng Tau Gamma Fraternity para sa mga neophyte at inabot hanggang alas -2:00 ng tanghali.

Dahil sa dami ng pasa sa katawan hindi na nakayanan ng biktima at nawalan ng malay kaya agad na dinala sa pagamutan ng mga kasamahan pero ideneklarang dead on arrival.

Nahuli naman ng pulisya sina Jayson Corpus, Ogie Pamil, Reymar Corpus, Gyno Ybanez at iba pa na sangkot sa initiation rites.

Patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang ilan pang sangkot dito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply