Isabelle Daza, walang sinulot na project kay Iza Calzado!

KUMAKALAT ngayon sa ilang internet sites at lumabas rin sa ilang tabloids na manunulot raw ang magandang EB Dabarkads host na si Isabelle Daza. Sinulot raw ni Isabelle ‘yung movie ni Iza Calzado na pagbibidahan ng balik tambalang John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.

Aware kami sa nasabing project at alam naming kasama nga sa casting si Iza. Para maging credible tayo ay inalam namin mula sa ADPROM Manager ng Star Cinema at Managing Director ng Star Records na si sir Roxy Liquigan, ang beloved angel namin ni BFFT Pete A, ang katotohanan sa isyung ito. Di naman kami nabigo dahil blow by blow ay nilinaw ni sir Roxy ang lahat.

At ayon pa sa mabait at masipag na executive ng ABS-CBN, totoong nasa original cast ng newest John Lloyd-Sarah movie si Iza, kaso mo, dahil sa sobrang busy ng mahusay na actress sa magdamagang taping nito sa pinagbibidahang teleserye sa Kapamilya network na Kahit Puso’y Masugatan with Andi Eigenmann, Gabby Concepcion at Jake Cuenca, di na nito kinaya ang additional workload.

Sa madaling salita, hindi available to shoot ang alagang aktres ni Kapatid na Noel Ferrer at dahil kailangan nang masimulan ang shooting nito, kumuha na sina sir Roxy ng magiging replacement ni Iza.

At dahil open ang schedule ng TV host-actress na si Isabelle ay siya ang nakuha para pumalit sa role ni Iza sa nasabing movie nina Lloydie at Sarah. At para sa kanila ay perfect choice si Isabelle na maging replacement dahil malaki ang hawig nito sa Kapamilya actress.

So, dat’s it! Loud and clear na walang sulutan na nangyari gyud!

***

Masculados dekada nang nagpapakilig sa mga kakabaehan at bading

YEAR 2002 nang buohin ng famous record producer Bella Tan (SLN) at de-kalibreng film and television director na si Maryo J. Delos Reyes ang All-male sexy group na Masculados. Kaya naisip nina Tita Bella at direk Maryo na buohin ang nasabing all male group ay dahil parang tribute na rin ng dalawa sa mga sumikat na macho group noong dekada 80 tulad ng Hagibis, Village People, Chippendales, atbp.

At hindi naman sila nagkamali dahil kung nagkawalaan na ang mga all-male sexy group na tumapat sa kanilang mga alaga, hanggang ngayon ay naririto pa rin ang Masulados na dekada nang nagpapakilig sa mga kakabaihan at bading.

At bilang pasasalamat ng grupo sa lahat ng mga sumuporta sa kanilang career na kahit kailan ay di sila iniwan, may double treat sa kanila ang nasabing grupo. Una ay ang Anniversary Concert nila titled MASCULADOS: DEKADA na gaganapin bukas sa Zirkoh Tomas Morato, Quezon City at 10 pm.

Kaya buy na ang inyong tickets at tawag na sa Production 56 office sa tel nos. (632)372-4505 at mga CP nos. 0905-54542039 at 0917-3668906 para mapanood niyo ang mga nagugwapuhan at macho Papas na kinabibilangan nina Enrico Mofar, Lexter Lazaro at Robin Robel na belong sa original group at Ozu Ong, Nico Cordova at Orlando Sol na nag-join sa grupo last 2010.

At para higit na maging makulay ang gabi ng lahat kukumpleto sa show ang mga special guests na sina Sonny Parsons ng Hagibis, Kylie Padilla, Bela Padilla, Osang of X Factor Philippines, Kim Idol, Bombshell at ang reunion ng original members ng Masculados at present members kaya’t exciting ang concert na ito.

Para sa pangalawang treat ng grupo, naglabas sila ng kanilang 4th album na may titulong Masculados Dekada kung saan included rito ang mga awiting Di Ko Mapigil by top novelty composer Lito Camo, Cam2Cam ni Edwin Marollano, Super Papa by DJ Coki, pinagsamang komposisyon ni Jefrey Palompo at Masculados na Mashup na inareglo naman ni DJ Coki at ang daring song na favorite na ng mga gay na Hawakan Mo Na, na mula naman sa composition ng former scholar ng Pinoy Dream Academy ng ABS-CBN na si RJ Jimenez. Watch na mo gyud!

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply