Isang brand ng smoked salmon pinababawi ng US, Netherlands

GANAP nang nagpatupad ng major recall ang Netherlands, Amerika at iba pang karatig bansa matapos madiskubre na isang brand ng smoked salmon ang pinagmulan sa salmonella outbreak sa mga nasabing bansa.

Ayon sa National Institute for Public Health, nagmula sa isang Dutch Company na Foppen ang naturang fish product na nagsu-supply sa mga malalaking tindahan sa iba’t ibang sulok ng mundo.

Dahil dito, umakyat na sa tinatayang 200 ang nagpositibo sa salmonella sa Netherlands sa loob lamang ng dalawang araw habang 350 naman ang natanggap na report ng Foppen na positibo sa sintomas ng sakit.

Sa tala naman ng United States Centers for Disease and Control Prevention, tumaas na sa 85 ang kaso ng Salmonella infection.

Ang sintomas ng pagkakaroon ng naturang sakit ay lagnat, pagsusuka at diarrhea.

Dahil dito, nakaalerto na rin ang Department of Health (DOH) para alamin kung mayroong brand ng naturang produkto ang nakapasok sa banda.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply