Itay kinatay ng anak dahil sa kalabaw

DAHIL lamang sa alagang kalabaw ay nagawang patayin ng isang magsasaka ang kanyang sariling ama sa Negros Occidental, Huwebes, (Oktubre 11).

Ito ang lumabas sa pagsisiyasat ni Senior Insp. Jason Manguilimotan, hepe ng Isabela Police Station matapos aminin sa kanya ng suspek na si Logie Esgana, 26-anyos na gusto ng kanyang tatay na si Lolito 66-anyos na ilipat ang kanyang alagang kalabaw sa iba niyang kapatid.

Sinabi ng suspek na nais ng kanyang ama na makinabang din ang iba niyang kapatid sa oras na manganak na ang naturang hayop.

Pero hindi pumayag ang suspek kaya sa sobrang galit ay pinagtataga nito ang ama at upang itago ang krimen ay kanya itong inilibing sa likod ng kanilang bahay.

Kinabukasan (ngayon, Oktubre 12), hinanap ng panganay na anak ang kanyang tatay ngunit sinabi ng suspek na nagbakasyon ito sa kanilang kamag-anak sa Mindanao.

Hindi naman ito naniwala lalo na’t may nakita itong hukay sa likod ng bahay ng suspek na tinitirhan ng kanyang tatay kaya ipinagbigay-alam niya ito sa pulisya.

Tumambad naman ang bangkay ng biktima nang hukayin ng awtoridad ang lupa sa likod ng bahay ng suspek na agad ding hinuli.

Noon namang nakaraang taon ay tinaga na rin ni Logie ang kanyang kapatid na babae matapos silang mag-away.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply