James Yap iniwasan ng sports writer na ma-interview!

DATI-rati, noong magkarelasyon pa sila ni Kris Aquino, humahataw talaga si James Yap sa kaliwa’t-kanang interviews sa print man, TV at radyo. Dumami rin ang kanyang endorsements at puro mga bigtime ang kanyang mga TVC.

Pero ngayong matagal-tagal na panahon na rin silang hiwalay ni Tetay, pansinin ninyo kahit pa popular ‘yung B-MEG Team niya sa PBA, na ngayon ay San Mig Coffee Team na, parang hindi na masyadong pinag-uusapan ang nasa bing cager.

May nagbigay pa nga ng info sa inyong kolumnista na hindi nga raw isinama si James sa SMART Gilas Pilipinas 2 na nag-compete sa Taiwan at Tokyo Japan last August and September samantalang kapapanalo lang uli nito bilang Most Valuable Player(MVP) sa PBA.

Well, hindi rin pala nalalayo sa showbiz ang mundo ng sports na kapag hindi ka na gaanong sikat, wala na sa iyo ang attraction. Ang nakalolokah, minsan sa isang private place nakita ng sports writer ng isang tabloid itong si Papa James.

Pero instead na lapitan ang guwaping na basketeer para kapanayamin, kanya itong iniwasan na para bang wala ng interes pa sa naturang personalidad. Kung may ganito ngang eksena, in fairness, ang inyong lingkod ay feel na feel ma-interview ang daddy ni Baby James dahil hanggang ngayon ay misteryoso pa rin ang dating nito sa amin. Wanna bet gyud!

***

The Buzz, malakas ang hatak sa televiewers linggu-linggo

ANO ba ang basehan para masabing number one ang isang show like the more than a decade ng The Buzz that’s hosted by King of Talk Boy Abunda, along with Toni Gonzaga and Charlene Gonzales?

Well, first tumatagal ang prog rama kapag nami-mentain ang commercial load, at dapat ay consistent ang mataas na ratings nito. So, pasok na pasok riyan ang The Buzz na malakas talaga ang hatak sa mga televiewers linggu-linggo.

Papano naman, bawat episode ay punung-puno ng mga exlusive stories, interviews at mga bagong explosive na pasabog ang world-class showbiz talkshow.

Mapanonood nga pala ang The Buzz every Sunday from 4 pm to 6:30 pm after LUV U sa ABS-CBN 2. Si Onat Diaz ang director ng said show.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply