Janelle Manahan tumestigo sa pagdinig ng Ramgen slay case

SUMALANG na sa witness stand ng Paranaque City Regional Trial Court Branch 274 si Janelle Manahan, nobya ng napatay na si Ramgen Revilla.

Sa kanyang pagsalang sa direct examination, naging emosyunal si Manahan na ikinuwento ang pangyayari noong Oktubre 28, 2011, ang araw kung kailan napatay ang nobyong si Ramgen.

Sa salaysay ni Manahan, sinabi niya na nandoon ang kapatid ni Ramgen na si Ramona Bautista. Ayon kay Janelle si Ramona ang tumawag ng tulong ngunit natagalan ito kaya nag-text siya sa kanyang mga kakilala para humingi ng tulong.

Naikuwento rin ni Jannele na may ilang pagkakataon na nag-aaway ang mga magkakapatid at noong 2009, nang magtalo sina Ramgen at Ramona ay napalo ng una ang huli ng baril sa ulo.

Napapailing naman sa mga salaysay ni Manahan ang nanay ng magkakapatid na Bautista na si Genelyn Magsaysay.

Hindi natapos ang direct examination kay Manahan at hiniling ng kampo nito na ipagpatuloy ang hearing sa ika-6 ng Nobyembre.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply