Janitor na kumatay sa amo sa Laguna, tinutugis

PUSPUSAN nang tinutugis ng pulisya ang isang janitor na pumatay sa presidente ng homeowners’ association sa isang subdibisyon sa Sta. Rosa, Laguna.

Ang suspect na si Martiniano Enteria, 60-anyos, ang itinuturong pumatay sa biktimang si Victoriano Cardona, ang president ng homeowners’ association, nitong nakaraang linggo.

Nakita sa footage mula sa closed-circuit television (CCTV) cameras na nakakasa sa lugar na ilan sa mga residente ang nakakita sasaksi sa insidente pero sa takot na sila ang mapagbalingan ay hindi nagawang awatin ang suspect.

“Nadinig ko pong nagkaka-commotion na, tinataga na pala ‘yung asawa ko,” pahayag ni Cenen, ang misis ng biktima.

Nakita rin sa footage na may hawak si Enteria ng isang malaking kutsilyo habang ito ay palayo sa lugar ng krimen.

Sinabi ng pulisya na kaya pinatay ni Enteria ang biktimang si Cardona sapagkat sinibak ito bilang janitor sa clubhouse ng naturang subdibisyon.

“May sama siya ng loob sa mga dating nakaupo. Maaaring tungkol sa trabaho,” pahayag ni Max Ison, kasalukuyang president ng Centro de San Lorenzo Homeowners Association.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply