Japanese national natangayan ng 30 thousand yen

NATANGAYAN ng 30 thousand yen ang isang Japanese national matapos itong kaibiganin ng isang babae sa loob ng kanyang tinutuluyang hotel sa Ermita, Maynila.

Personal na nagtungo kaninang umaga sa tanggapan ng Manila Police District-general assignment Section ang biktimang si Sumichi Sakai, nasa hustong gulang at nakatira sa room 1714 Diamond Hotel na matatagpuan sa Roxas Blvd, kanto ng Dr.J.Quintosa st., Ermita, Maynila.

Sa reklamo ng Hapon, isang nangngangalang Jennifer San Martin umano ang lumapit sa biktima at nagpunta sa kanyang kuwarto kagabi ganap na alas 6:30.

Ayon sa pulisya, posible umanong inalok ng suspek ng panandaliang aliw ang biktima at doon na nagkaroon ng pagkakataon ang babae na limasin ang pera ni Sakai.

Nadiskubre na lamang ng biktima na nawawala ang kanyang pera nang magising ito kaninang umaga.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply