Jaworski, Bingbong tandem ikakasa vs Bistek, Belmonte

DAHIL sa nalalapit na eleksiyon at paghahain ng certificates of candidacy (CoCs) sa Commission on Elections, naging sopresa ang paglutang sa pagtakbo nina dating PBA star at Senator Bobby Jaworski at District 1 Rep. Bingbong Crisologo para labanan ang incumbent mayor actor-comedian Herbert “Bistek” Bautista na sinasabing walang katalo-talo.

Ayon sa ulat sina Jaworski at Crisologo na magtatapos na ang siyam na taong termino bilang kongresista ay ipapalit ang kanyang asawang si  “Rita” sa Kongreso.

Ang dalawa ay kapwa malapit kay dating Pangulong Joseph Estrada na ngayon ay lider ng United Nationalists Alliance (UNA) at karibal na partido ng Liberal Party.

Kumpiyansa naman si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. (4th Distict) na wala ring katalo-talo na ang tambalan nina Bautista at anak niyang si  Vice Mayor Joy Belmonte-Alimurong ay walang talo sa kanilang pagtakbo sa ikalawa nilang termino.

“Bistek baka walang kalaban. Lets see the situation after October 5,” sinabi ni Belmonte sa pahayagang ito kaugnay sa ibinigay na deadline ng Comelec sa Oct. 5 para sa paghahain ng kandidatura.

Ibinuking umano ni TV host Willie Revillame ang pangalan ni Jaworski na palagiang binabanggit ang pangalan ng dating senador sa kanyang programang Wil Time Big Time bilang residente rin sa  Quezon City.

Habang si Crisologo na pinsan ng milyonaryong Ilocos Governor Chavit Singson ay susuportahan ng huli sa pagtakbo nito bilang Mayor.

Magiging mahigpit din umano ang tunggalian sa pagka-Kongresita nina dating congressman Chuck Mathay, anak ni dating QC Mayor Ismael Mathay Jr. a ilalaban naman kay reelectionist Winnie Castelo ng  District 2, habang ang bagong District 5 (Novaliches) ay paglalabanan nina dating congresswoman Annie Susano at dating congressman at kontrobersiyal na TESDA chief na si Dante Liban at ang actor na si councilor Alfred Vargas.

Samantalang sa 6th District ay tatakbo dito bilang konsehal ang pamangkin ni Belmonte ang dating abogado ng Magdalo na si Atty. Kit Belmonte kung saan umatras naman si Councilor Candy Medina pero tatakbo umano sa ilalim ng Liberal Party ang kanyang ama na si Eric at tiyuhing si Toots.

Inaasahang magiging mahigpit, aniya, ang tunggalian sa pagitan nina Rita Crisologo at ang three termer na si Councilor Francisco “Boy” Calalay, kapatid ng namayapang si Congressman Reynaldo Calalay.

Kabilang naman sa mga konsehal na bumaligtad at sumapi sa LP banner at sa District 2 ay sina Oto Medalla, Precious Hipolito, Roderick Paulate, incumbent Liga ng Barangay Chairman head Ronnie Ludovica at dating  Councilor Bong Liban.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply