Jinkee Pacquiao tatakbong vice-gov sa Sarangani

KUMPIRMADONG tatakbo ang misis ni People’s Champ at Sarangani Rep. Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao bilang bise-gobernador ng Sarangani Province.

Naghain ng kanyang certificate of candidacy (CoC) si Mrs. Pacquiao kaninang ala-1:00 ng hapon sa Commission on Elections (Comelec) office sa Alabel, Sarangani kasabay ng paghahain CoC ng asawa na muling tatakbo bilang kongresista ng Sarangani.

Ayon sa pahayag ni Pacman, may kakayahang magserbisyo ang kanyang misis kaya niya ito pinayagang kumandidato.

Paliwanag naman ni Jinkee, ang kanyang desisyon na pagtakbo bilang bise gobernadora ay para may katuwang ang kanyang mister sa pagseserbisyo sa probinsya.

Nabatid na mismong si Sarangani Gov. Migs Dominguez ang nag-endorso sa kanyang misis para pasukin na rin ang pulitika.

Bukod kay Jinkke, kakandidato rin ang kapatid ni Pacquiao na si Roel Pacquiao sa pagkabarangay captain.

“Kahit na sinong kamag-anak kung nakikita ko na hindi pa kayang magserbisyo (di ko papayaga), although ‘yung kapatid ko na tatakbo (Roel), naniniwala naman ako na makapagserbisyo siya ng tama at magagampanan niya yung trabaho niya,” ayon kay Pacman.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply