Job fair idadaos sa Oktubre 22 sa Masbate

LUNGSOD NG MASBATE — Ang lokal na pamahalaan ay tumutulong sa mga residente ng Masbate upang makakuha ng trabaho.

Sa unang pagkakataon, pangungunahan ng pamahalaang panlalawigan ang pagdaos ng job fair na itinakda sa Oktubre 22, Lunes, sa covered court ng Barangay Kalipay sa lungsod na ito.

Ayon kay Masbate Provincial Employment Services Officer Jose Perez, kinumpirma ng Philippine Overseas Employment Administration at Department of Labor and Employment na mahigit 10 kumpanya sa lokal at ibayong dagat ang lalahok.

Ang Technical Education and Skills Development Authority, Department of Trade and Industry, National Statistics Office, National Bureau of Investigation, Caritas Masbate at iba pang ahensya ng pamahalaan at mga nongovernment organization ay magbibigay ng kanilang serbisyo sa mga aplikante.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply