John Rendez, tagalaba at tagaluto ni Ate Guy

NAGING guest ng aming afternoon radio show na Star na Star sa DWIZ ang rapper singer na si John Rendez.  Nag-enjoy kami sa pagkanta at pagsagot niya sa aming mga tanong. Napakaprangka niya.

Sabay pala dapat na pumalaot sa music scene bilang rap artist ang magka-buddy noong sina Francis Magalona at itong si John, pero nagpaubaya ang huli. Aniya, panahon daw iyon ni Francis M. kaya ayaw niyang makigulo sa eksena. Ngayon daw ang tamang time para sa kanya. Kaya binuo niya ang Metal Dog: There Can Only Be One album under PolyEast Records.

Ang kanyang album ay may 11 tracks, kung saan kabilang dito ang ilan sa kanyang old compositions like Metal Dog at Coming to a Theater Near You at ang mga bago naman ay itong Under the Ground, No More Music By the Suckers at ang carrier single, There Can Only Be One at marami pang iba.

Anyway, nung nasa America raw siya kasama si Ate Guy, lagi lang siyang nasa bahay. Kain tulog daw ang ginagawa niya. Minsan nama’y nagluluto siya, naglalaba at naglilinis ng bahay. Hindi raw siya mahilig gumimik sa labas. Ang kanyang tanging libangan ay makinig ng music at manood ng mga programa sa television.

Ang hangad lamang ngayon ni John ay ang maipakita ang kanyang talento sa paggawa ng kanta at ang pag-awit nito. Gusto niyang may mai-contribute sa industriya ng musika sa bansa at maiangat ito sa bagong kalinangan.

Anyway, maraming negatibong nasusulat sa kanya noon. Sinasabing bad influence siya sa Superstar. Pero ayon sa kanya, kabaligtaran lahat ito.

“I feel like I’ve been appointed by a higher power to be Ate Guy’s guardian. I watch over her and make her laugh. I was there for her during her lowest and darkest days. I protected her from bad people. I may be outspoken and hot-tempered, but I’m a good person,” paliwanag pa ng bestfriend ni Ate Guy.

***

Pananapak ng beteranang aktres sa komedyante pinagtakpan

NAGKAROON ng news blackout sa isang insidente na nangyari sa malaking network. Pinagtakpan ng istasyon ang pananapak ng beteranang aktres sa batang komedyante nang walang dahilan. Kaya pala walang istoryang lumabas dito.

Ang matindi rito, hindi man lang daw nag-sorry ang aktres sa komedyante na sinapak niya ng ubod ng lakas. Ni hindi nga raw nagbigay nang dahilan kung bakit siya nanakit ng ganun. Ang lagay eh, trip lang, ganun?

Wala na ngang career ang aktres na ‘to, nang-aagrabyado pa. Dapat pinabayaan na lamang siya ng network na pag-usapan ang ginawa niya para napahiya ang hitad. Tutal, hindi naman ito nakatutulong para tumaas ang rating ng kanilang serye sa hapon.

***

15,000 “Walang Hanggan” fans, pinadagundong ang Big Dome

DUMAGUNDONG ang hiyawan at tilian sa Smart Araneta Coliseum kamakailan sa pagdagsa ng 15,000 fans sa engrandeng ‘Walang Hanggang Pasasalamat’ thanksgiving concert ng phenomenal TV drama ng ABS-CBN na “Walang Hanggan.”

Tampok sa concert ang lead stars ng programa na sina Richard Gomez, Dawn Zulueta, Susan Roces, Helen Gamboa, Melissa Ricks, Joem Bascon, Paulo Avelino, Julia Montes at Coco Martin. Kinumpleto rin ang “Walang Hanggan” powerhouse cast ng mga de-kalibreng aktor na naging bahagi ng TV drama series na namayagpag sa telebisyon sa loob ng halos isang taon kabilang sina Nonie Buencamino, Ogie Diaz, Arlene Muhlach, Eda Nolan, John Medina, Shamaine Buencamino, Josh Ivan Morales, Valerie Concepcion, Dante Rivero, Richard Yap, at Eula Valdes.

Bukod sa pagpapakilig ng mga hosts na sina Dawn at Richard, sunod-sunod na ‘phenomenal’ production numbers naman ang inihandog ng buong cast kung saan tampok ang special tell-all interviews nina Melissa, Joem, at Paulo kasama ang ultimate multimedia star na si Toni Gonzaga; Susan at Helen kasama ang unkabogable TV host-actor na si Vice Ganda, kung saan napahiyaw ang audience dahil sa pagka-game ni ‘Donya Margaret’ na makipag-dance showdown kay Vice sa saliw ng Korean dance craze na ‘Gangnam Style;’ Dawn at Richard kasama ang Queen of All Media na si Kris Aquino, kung saan napilit ng CharDawn fans ang kanilang mga idolo para sa isang kiss; at sina Coco at Julia kasama ang Asia’s King of Talk na si Boy Abunda, kung saan napaamin ang dalawa na pakakasalan ang isa’t isa kung sakali mang magugunaw na ang mundo.

Bukod sa cast, nagdagdag-kinang rin sa ‘Walang Hanggang Pasasalamat’ ang mga world-class singers na umawit ng hindi malilimutang theme songs ng programa kabilang  sina Gary Valenciano, Christian Bautista, Erik Santos, Jed Madela, Juris, Aiza Seguerra, Bryan Termulo, Bugoy Drilon, at Liezel Garcia. Ang mga nasabing theme song ay tinugtog ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra na pinamunuan ni Maestro Gerard Salonga.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, magtext sa  09074582883/09351851227 o kaya’y mag-email sa
kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply