Jonas Brothers nasa Pinas na!

SINALUBONG ng media at mga fans ang American band na Jonas Brothers.

Dumating ang magkakapatid na sina Nick, Kevin at Joe Jonas sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 lulan ng Korean Air flight KE 623.

Narito ang magkakapatid para sa kanilang concert bukas dito sa Maynila at sa Oktubre 20 sa Cebu.

Sinundo ng actress na may Pinay blood na si Anna Maria Perez de Tagle ang magkakaptid sa NAIA.

Si Anna Maria ang magiging front act sa konsiyerto ng grupo.

Nagkasama ang Jonas Brothers at si Tagle sa musical film na “Camp Rock” at “Camp Rock: The Final Jam” na pinagbidahan ni Demi Lovato.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply