Joross Gamboa palaging hinahanap-hanap ni Mario Maurer!

NAKATULONG ang pagiging kalog sa personal ni Joross Gamboa nu’ng sinu-shoot ang ‘Suddenly It’s Magic’.

Siya ang nagsilbing taga-aliw sa mga taga-Thailand na kasama ng Thai heartthrob na si Mario Maurer. Balita namin, mahigpit pala sa oras at may cut-off si Mario. Kailangang i-pull-out na siya pag lumampas na sa cut-off.

Pero naaaliw sila kay Joross kaya dinadaan niya sa kuwento.

Minsan pala ay kinakasabwat diumano ni Direk Rory Quintos si Joross na aliwin ang mga taga-Thailand para ma-extend pa ang shoot ni Mario. Hindi rin nila napapansin ang oras dahil sa pakikipagkuwentuhan sa Best Supporting Actor ng Cinemalaya.

Kahit si Mario, laging si Joross din ang hinahanap niyang kakuwentuhan sa shooting bukod sa kanyang leading lady na si Erich Gonzales. Nakatakda itong ipalabas sa October 31.

Ang Suddenly Its Magic ay isang makabagong feel-good fairy tale tungkol sa isang Thai superstar na lumipad patungong Pilipinas upang takasan ang magulo niyang buhay-showbiz.

Kilala si Mario ng kanyang Asian fans bilang si Shone sa hit Thai movie na Crazy Little Thing Called Love. Ibinahagi kamakailan ni Mario kung gaano siya kasaya na makasama si Erich bilang leading lady niya sa pelikula.

“Erich is very funny. When we talk, she has so many characters. She’s very playful, that’s why I’m happy to be with her,” ani ni Mario. “She can rap, she can do beatbox, and she tries to make me sing for her, and I just wouldn’t!”

Hindi rin naman nalalayo ang panlasa ni Mario sa mga Pinoy. Nagustuhan rin ng Thai heartthrob ang ibat- ibang mga pagkaing Pinoy katulad ng Pork Barbeque at Adobo na si Erich mismo ang nagluto para sa kanyang kapareha sa pelikula.

Kinunan sa dalawang major locations–Ilocos sa Pilipinas at Bangkok sa Thailand–nag-aral pang magsalita ng Filipino si Mario para lamang sa Suddenly It’s Magic.

-0o0-

HINDI maiwasang itanong kay Boy2 Quizon kung ano ang nangyari sa kanila ni Rufa Mae Quinto. Totoo bang nagplano silang magpakasal at mag-break?

“No, okay kami sa Bubble Gang, nagkikita naman kami. Si Rufa Mae hindi na iba yan, kumbaga sabihin na nating nagkaroon kami ng konting direksyon na ganyan-ganyan. Kung naging kami, in a way, it’s something na hindi namin pinlano. Pero we’re better off as friends. Pero like what I said kahit ano mangyari sa amin whether kami o hindi, mas okay kami as magkaibigan,” sey  ni Boy2 sa presscon ng ‘Coffee Prince’ na magsisimula ngayong Oct. 8 sa GMA 7.

Binalak ba talaga nila na magpakasal?

“Alam mo nadaan yun sa joke, e. Alam mo kung paano nangyari yun? We were shooting yung, it’s a baby project, it’s something na pareho kaming nag-invest into this project. The title is I Love Dakak. Kasi ka-partner namin si Bullet Jalosjos, kapartner namin sa negosyo, sila ang may-ari ng Dakak.”

So, hindi seryosohan ‘yun planong kasal?

“Hindi nga e, naano lang  yun, naiba yung context, e. Magkaibigan kasi e, anything goes, e. Nung time na yun pag magkasama kami laugh trip lang e, alam mo yung ganun? So hindi umabot dun sa ganun.

“I would always treat yung fourteen years na pagiging magkaibigan, we’re better like that,” deklara niya.
Paano sila nag-break?

“Wala lang. Kumbaga hindi nga pinag-usapan, it’s something na, hindi nga namin alam kung paano napunta run, e. “Wala na bang balak na magkabalikan sila?

“Like what I said it would be important right now na focus rin kami sa trabaho e, and the way I see it, unang- una, ako naniniwala ako pag hindi kayo, hindi kayo.”

Love pa ba niya si Rufa Mae?

“Mahal ko, kaibigan ko yun, barkada ko yun, e,” tugon niya.

Tsuk!

-0o0-

PANALO ang sitcom ng ABS-CBN na Toda Max na kinabibilangan nina Robin Padilla, Vhong Navarro, Pokwang at Angel Locsin bilang Best Comedy Program sa nagdaang 34th Catholic Mass Media Awards at ayon kay Vhong na gumaganap bilang si Justin Bibbo sa sitcom, hindi basta basta ang manalo sa CMMA.

“Wala pa po kaming isang taon sa Toda Max kaya hindi po talaga namin ini-expect ito at para ma-nominate palang po rito, isa na pong malaking karangalan, lalo na po yung manalo.”

Ayon kay Vhong, dahil mga academician at mga pari ang may hawak ng CMMA, masyado silang sensitibo at ang pinipili nilang mananalo ay yung talagang mayroong magandang aral na mapupulot.

“Ang kinaibahan kasi namin sa i- bang comedy shows, hindi lang kami nagpapatawa, may aral ka rin na matututunan,” dagdag pa ng komedyante.

Ani naman ni Robin na gumaganap bilang si Tol, “Nabuo ang Toda Max dahil sa moral values at dahil doon kami’y napansin ng masasabi nating isa sa pinakamatindi na award giving bodies.”
Nangangako naman ang cast ng sitcom na ipagpapatuloy pa nila ang pagbibigay ng aral sa pamamagitan ng pagpapatawa.

Nominado rin ngayon ang ‘Toda Max’ bilang Best Comedy Show ng 26th PMPC Star Awards for TV na gaganapin sa Nov. 18 sa Ateneo Theater.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply