Jovit poging-pogi; Sarah, mukhang siopao sa ABS CBN Christmas ID

RELEASED na online ang ABS CBN Christmas ID. Katulad last year, nakapupukaw na naman ng damdamin ang Christmas themesong nila at punong puno ito ng pag-asa. Siguradong hit na naman ito sa airwaves.
May puna lang ang mga intrigera.

Mali raw ang anggulo ni Sarah Geronimo. Parati siyang nakatagilid kaya nag-ala-siopao ang kanyang mukha at lumaki ang kanyang braso. Samantalang poging-pogi naman si Jovit Baldivino. Si Piolo Pascual ay wala nang halos linya. Nagmukha siyang extra. Pero last year ay mahaba ang lines niya. As usual, ang Pop Princess pa rin ang bidang-bida. Hindi pa rin siya tinalbugan ni Angeline Quinto.

Bakit daw parati wala si Gary Valenciano gayung lagi namang present ang kanyang counterpart na si Martin Nievera? Siguro may separate record din si Gary na gagawin kagaya nung isang taon. Hindi pa lang inilalabas ngayon.

Marami na rin ang nawala sa eksena. Kahit si KC wala nang appearance. Sabagay, yung mga nawala naman ay kundi lumipat sa ibang istasyon ay hindi lamang sila napansin ng Kapamilya.

***

Umamin na kahit walang nagtanong

WALA namang nagtatanong kay Richard Gutierrez tungkol sa lovelife nito dahil kilala naman siyang denial king. Pero lately, nagulat ang lahat sa biglang pagkanta nang nasa tono ang binata. Girlfriend na nga raw nito si Sarah Lahbati, at nakapagliwaliw na raw sila sa ibang bansa.

Umamin na lang daw ito kesa mabaon sa limot. May Pag-usapan lang sa kanya. Dahil hindi na nga siya katulad dati na mainit at kinikilalang hari sa GMA-7. Ngayon ay waley na siya. Wala nang rating ang kanyang mga palabas sa Kapuso.

Buhay nga naman, hindi lahat glorya. Hehehe!

***

Jayke Reyes launches self-titled debut album

FAST-rising singer Jayke Reyes launches her self-titled debut album Jayke Reyes. The album which contains the carrier single Kay Palad Mo (a remake), Perry’s Will, Paano Na Kaya, Sana’y Pakaingatan Mo and We’re All in This Together comes with a minus one.

The daughter of Filipino immigrants in the US, it had always been Jayke’s dream to pursue a singing career so when the opportunity knocked at her doorstep, she didn’t hesitate to leave Los Angeles and flew all the way to Manila.

The album’s concept is diverse. There are ballads meant to showcase her ability to hit the high notes and there are R&B dance hits. Jayke wants to be known as a versatile singer who can sing almost anything in her field. “I think, there should be a mix para hindi magsawa ang tao. That’s why for me, I don’t want all birit. I don’t want people to say that’s the only thing I can do.”

Jayke’s musical exposure is quite impressive. She attended the Los Angeles High School for the Arts, trained with Seth Riggs (who also taught the late Michael Jackson), did commercials and auditioned for shows on Nickelodeon and Disney.

She is determined to make it big in the music industry that’s why she is learning hard to speak fluent Tagalog. She is also attending workshops and taking lessons in order to become a better singer. “I know it will be hard. Success is not easy. But I believe in myself and I think I have a good chance of making it. My family and I sacrificed for my dreams, so for my parents especially, I need to really push.”
She adds, “As a singer, I really think I give my all. I’m really dedicated. I know I can do anything. I’m really focused.”

Jayke recently represented the country in the Asean Music Festival for the 80th birthday of Thailand’s Queen Sirikit. The event was sponsored by the Ministry of Culture of Thailand.
Aside from promoting her new album, Jayke is also busy with mall tour: October 19 (SM Molino), October 20 (SM Sucat), October 27 (SM Baliwag), November 9 (SM Novaliches), November 11 (Robinson Pulilan with JM de Guzman), November 17 (SM Rosario), November 24 (SM Masinag), November 25 (SM Dasmarinas), December 9 (SM Clark) and January 6 (SM Bacoor).

The album is being distributed by Ivory Records.

Jayke Reyes is a Backroom artist. For inquiries, call Backroom at 4351108 and 4351120 or email at backroominc@hotmail.com

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, magtext sa  09074582883/09351851227 o kaya’y mag-email sa
kuya_abepaul@yahoo.com at maari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply