Judge sa Angeles City, sinibak ng SC

SINIBAK ng Kataas-taasang Hukuman ang isang hukom sa Angeles City, Pampanga.

Sa per curiam decision ng Supreme Court en banc napatunayang nagkasala sa kasong gross ignorance of the law si Judge Ofelia Pinto ng Angeles City RTC Branch 60.

Ang parusa  kay Pinto ay nag-ugat nang katigan nito ang mosyon ng isang akusado sa isang kasong kriminal gayong may kautusan na ang Court of Appeals na final and executory na ang hatol sa akusado.

Pinaliwanag ng SC na dapat ay iginalang ni Judge Pinto ang desisyon ng appellate court lalo na at wala na siyang karapatan na pabuksan ang kaso dahil sa pagiging pinal ng desisyon.

Ayon pa sa SC, tahasang linabag ni Judge Pinto ang itinatakda ng Section 24 Rule 119 ng 2000 Revised Rules of Criminal Procedure.

Si Pinto ay una na ring kinastigo ng SC dahil sa gross inefficiency and gross ignorance of the law.

Maliban sa pagkakasibak bilang hukom, kinansela rin ng Mataas na Korte ang mga benepisyo na dapat ay makukuha ni Judge Pinto sa kanyang pagreretiro.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply