Juico kay Morato: Sa korte ka magpaliwanag

SA korte na lamang ihain ni dating PCSO Chairman Manoling Morato ang kanyang depensa kaugnay sa maanomalyang paggamit sa pondo ng ahensiya,  ayon sa bagong pamunuan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Matatandaang inakusahan ni Morato ang top officials ng PCSO na umano’y nakinabang din sa bahagi ng kontrobersiyal na P325-million intelligence fund ng ahensiya, kung saan partikular niyang tinukoy sina current PCSO chairperson Margarita Juico at general manager Ferdinand Rojas.

Pinabulaanan naman ito ni Rojas, dahil noon umanong sila na ang nakaupo sa PCSO ay halos nasa P3 million na lamang ang natirang intelligence fund ng tanggapan.

Ani Rojas, hawak nila ang mga records para ito patunayan.

Hihintayin naman ng National Bureau of Investigation (NBI) ang desisyon ng Sandiganbayan kung kailangang ilipat ng regular na kulungan si Morato.

Kasalukuyang naka-confine si Morato sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.

Kasama ni Morato sa kasong pandarambong si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply